"AKING PAMILYA"

Labing dalawang letra Pero sobrang saya pag sila na ang kasama At sila rin ang kasama sa hirap at ginhawa Sa mundong puno na ng kalungkutan at problema. Malaki, masaya, buo at kumpleto Hindi man perpekto pero marunong rumespeto Minsan pamilya rin namin ay magulo Pero masaya naman kahit na ganito, Mula sa pagkabata hanggang sa aking pagtanda Sila na ang karamay sa anumang problema Kahit na minsan ako ay pasaway na Di nila ako sinukuan kundi mas tinanggap pa. Ako'y nag papasalamat sa ating amang nasa itaas Dahil ako ay pinagkalooban niya ng matatag at malakas, Mapagmahal na pamilya Na minsan ay hindi ako iniwan at pinagsawaan.

Comments

Popular posts from this blog

"BARKADA"

CRAFT ESSAY