"BARKADA"
Pitong letra
Pero ang sasarap kasama,
Yung akala mong kalalabas ng mental pag nagsimula na silang tumawa
Na pati kapag nagdrama ay dinaig pa ang kwento sa koreanovela.
Minsan nakakahiya man silang kasama
Pero trust me, sa kanila ka naman sasaya
At dadamayan ka pa sa lahat ng iyong problema,
Minsan nga lang ay aasarin ka pa.
Minsan man ay may hindi pagkakaintindihan
Pero sa huli ay magkakaigihan
Dahil sino paba ang magtutulungan
Kundi kami kami lang naman.
Ang swerte ko na meron ako niyan
Mga barkadang tunay na maasahan
Hindi lang pagdating sa kalokohan
Maging narin sa oras ng kagipitan.
Ang sarap ng may ganiyang BARKADA
Dahil para ko narin silang PAMILYA
Kasama ko sa KALOKOHAN
at maging sa KATARANTADUHAN.
Minsan na ako nag kwento ng aking talambuhay
At lahat sila ay nag iyakan,
Nakakatawa silang tignan
Dahil ang pag-iyak nila ay tila wala ng katapusan.
Ako ang may problema
Pero sila minsan ang nagdadala
Yung tipong sila ang gagawa ng paraan
Para lamang problema ko'y masolusyunan.
Minsan ko ng binalak na wakasan ang aking buhay
Dahil sa problema ko sa bahay,
Nakakasawa na rin kasi minsang mabuhay
Kung puro nalang ako ang punterya ng aming itay.
Ako ang panganay kaya ako lagi ang kinakagalitan
Sa oras na may kapalpakan
Puro ako nalang ang may kasalanan
Kahit alam niyang kapatid ko ang may kagagawan.
Pero dahil nga may barkada akong maasahan
Sila ang aking tinatakbuhan
Sa oras na ako ay kinakagalitan
Ng aming itay na wala ng ginawa kundi ako ay saktan.
Barkadang kahit kailan hindi ko iiwan
Para lamang sa mga walang kwentang dahilan
Dahil hindi ko lang sila basta kaibigan
Dahil parte na sila ng aking buhay na mahirap ng pakawalan.
Comments
Post a Comment