"SAKIT NA NARARAMDAMAN"

Ako ay kinagalitan na naman Sa hindi ko naman kasalanan Wala na ba itong katapusan Dahil ako mismo ay wala ng lakas lumaban. Sa mundong aking ginagalawan Puro ako nalang ang may kasalanan, Sa bagay na hindi ko naman ginawa Pero ako nalang lagi ang kawawa. Masasakit na salita Lagi ko nalang natatamo Kailan matatapos ito Dahil nasasaktan na ako. Pinipilit maging matapang, Kahit sobra na akong nahihirapan Hihintay ang katapusan Pero mukha atang wala ng hangganan. Kailan kaya ako magiging masaya Pag akoy uugod-ugod na O pag ako'y wala na, Kailan ko kaya matatamasa ang tunay na ligaya. Puro nalang ba kapalpakan ang makikita, At magandang ginawa ay natatabunan na Paano ko ipagpapatuloy na mabuhay pa Kung puro nalang mali ang nakikita. Mula sa aking pamilya Kahit papaano ako ay naging masaya Kahit puro sakit ang nadama pagmamahal koy ipapakita.

Comments

Popular posts from this blog

"AKING PAMILYA"

"BARKADA"

CRAFT ESSAY