"AMA"
Amang tinaguriang haligi ng tahanan
Pero ba't anak ay pinahihirapan
Hindi ba't dapat sila ang karamay
Pero bakit sila pa ang sisira ng iyong buhay.
Aminadong hindi ako katalinuhan
Pero patuloy na lumalaban
Kahit sobra na skong nahihirapan
Sinusubukan ko paring lumaban.
Hindi ako matalinong tao
Pero hangad ko'y makapagtapos ako
Dahil gusto kong patunayan sa ama ko
Na ako'y makakapagtapos ako.
Na kahit minsan sa pag-aaral ay nahihirapan na ako
Pero lalaban ako dahil alam kong kakayannin ko
Dahil nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko.
Pero dahil sa ambisyon ko,
Pangarap ko'y aabutin ko
Hindi lang para sa sarili ko
Kundi para din sa magiging pamilya ko.
Comments
Post a Comment