CRAFT ESSAY
Ang pagsusulat ng tula ay hindi ko talaga hilig. Pero ayon sa aming napag-aralan ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng manunulat ng tula. Nakagawa ako ng tula dahil ito ay may dahilan at hindi dahil sa kailangan kong gawin para sa grade kundi dahil ito ayon sa nararamdan na gusto kong iparating sa mga mambabasa ng tula ko at malaman ang kahalagahan ng buhay ko. Ang ginawa kong mga tula ay totooong nararamdaman ko at nararanasan ko, kung napapansin niyo ang mga tulang ginawa ko ay umiikot sa kung ano ang buhay ko, nakakasama ko, karamay ko, dahilan ng mga lungkot at iba pa. Hindi ko inaasahan na magagawa ko ang tulang ito na base sa buhay ko. Ang una kong ginawang tula ay pinamagatan kong "AKING PAMILYA" Sa totoo lang kaya ko nagawa ang tulang ito dahil sa oras na iyon ay may masayang nangyari sa pamilya ko at naging masaya ako, itong pangalawang ginawa kong tula pinamagitan ko namang "BARKADA" bigla ko kasi silang naalala kaya sila ang ginawaan ko ng tula, nakakamiss kasi silang kasama at nakakalungkot kasi dahil sa sitwasyon natin ngayon ay hindi ko na sila nakakasama pero ayos lang dahil sa henerasyon natin ngayon ay marami ng daan para magkaroon ng komunikasyon sa isa't isa pero nakakamiss parin yung dati kaya gumawa ako ng tula na patungkol sa aking mga BARKADA, Sa pangatlo ko namang ginawang tula sa totoo lang hindi ko ito nagawa sa parehas na araw gaya ng nasa una at pangalawa kong gawang tula, yung una at pangalawa kong tula na nabanggit ko ay parehas na araw na nagawa ko yun pero sa pangatlo at apat na tulang nagawa ko ay bago ko nagawa yun ay dalawang araw muna ang lumipas at naisulat ko na nga ang pangatlong tula ito naman ay pinamagatan kong "AMA" ito ay puro sakit ang nararamdaman ko sa oras na ginagawa ko ang tulang ito parehas na sitwasyon sa pang-apat na tula na pinamagatan ko naman na "SAKIT NA NARARAMDAMAN" ang dalawang tulang ito ay parehas na araw kong nagawa dahil ito ang nais na iparating ng damdamin ko sa paggawa ko ng tula at nawa'y ang tulang ito ay magustuhan ninyo.
Comments
Post a Comment