Posts

Showing posts from February, 2021

CRAFT ESSAY

Ang pagsusulat ng tula ay hindi ko talaga hilig. Pero ayon sa aming napag-aralan ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng manunulat ng tula. Nakagawa ako ng tula dahil ito ay may dahilan at hindi dahil sa kailangan kong gawin para sa grade kundi dahil ito ayon sa nararamdan na gusto kong iparating sa mga mambabasa ng tula ko at malaman ang kahalagahan ng buhay ko. Ang ginawa kong mga tula ay totooong nararamdaman ko at nararanasan ko, kung napapansin niyo ang mga tulang ginawa ko ay umiikot sa kung ano ang buhay ko, nakakasama ko, karamay ko, dahilan ng mga lungkot at iba pa. Hindi ko inaasahan na magagawa ko ang tulang ito na base sa buhay ko. Ang una kong ginawang tula ay pinamagatan kong "AKING PAMILYA" Sa totoo lang kaya ko nagawa ang tulang ito dahil sa oras na iyon ay may masayang nangyari sa pamilya ko at naging masaya ako, itong pangalawang ginawa kong tula pinamagitan ko namang "BARKADA" bigla ko kasi silang naa...

"SAKIT NA NARARAMDAMAN"

Ako ay kinagalitan na naman Sa hindi ko naman kasalanan Wala na ba itong katapusan Dahil ako mismo ay wala ng lakas lumaban. Sa mundong aking ginagalawan Puro ako nalang ang may kasalanan, Sa bagay na hindi ko naman ginawa Pero ako nalang lagi ang kawawa. Masasakit na salita Lagi ko nalang natatamo Kailan matatapos ito Dahil nasasaktan na ako. Pinipilit maging matapang, Kahit sobra na akong nahihirapan Hihintay ang katapusan Pero mukha atang wala ng hangganan. Kailan kaya ako magiging masaya Pag akoy uugod-ugod na O pag ako'y wala na, Kailan ko kaya matatamasa ang tunay na ligaya. Puro nalang ba kapalpakan ang makikita, At magandang ginawa ay natatabunan na Paano ko ipagpapatuloy na mabuhay pa Kung puro nalang mali ang nakikita. Mula sa aking pamilya Kahit papaano ako ay naging masaya Kahit puro sakit ang nadama pagmamahal koy ipapakita.

"AMA"

Amang tinaguriang haligi ng tahanan Pero ba't anak ay pinahihirapan Hindi ba't dapat sila ang karamay Pero bakit sila pa ang sisira ng iyong buhay. Aminadong hindi ako katalinuhan Pero patuloy na lumalaban Kahit sobra na skong nahihirapan Sinusubukan ko paring lumaban. Hindi ako matalinong tao Pero hangad ko'y makapagtapos ako Dahil gusto kong patunayan sa ama ko Na ako'y makakapagtapos ako. Na kahit minsan sa pag-aaral ay nahihirapan na ako Pero lalaban ako dahil alam kong kakayannin ko Dahil nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Pero dahil sa ambisyon ko, Pangarap ko'y aabutin ko Hindi lang para sa sarili ko Kundi para din sa magiging pamilya ko.

"BARKADA"

Pitong letra Pero ang sasarap kasama, Yung akala mong kalalabas ng mental pag nagsimula na silang tumawa Na pati kapag nagdrama ay dinaig pa ang kwento sa koreanovela. Minsan nakakahiya man silang kasama Pero trust me, sa kanila ka naman sasaya At dadamayan ka pa sa lahat ng iyong problema, Minsan nga lang ay aasarin ka pa. Minsan man ay may hindi pagkakaintindihan Pero sa huli ay magkakaigihan Dahil sino paba ang magtutulungan Kundi kami kami lang naman. Ang swerte ko na meron ako niyan Mga barkadang tunay na maasahan Hindi lang pagdating sa kalokohan Maging narin sa oras ng kagipitan. Ang sarap ng may ganiyang BARKADA Dahil para ko narin silang PAMILYA Kasama ko sa KALOKOHAN at maging sa KATARANTADUHAN. Minsan na ako nag kwento ng aking talambuhay At lahat sila ay nag iyakan, Nakakatawa silang tignan Dahil ang pag-iyak nila ay tila wala ng katapusan. Ako ang may problema Pero sila minsan ang nagdadala Yung tipong sila ang gagawa ng paraan Para lamang problema ko...

"AKING PAMILYA"

Labing dalawang letra Pero sobrang saya pag sila na ang kasama At sila rin ang kasama sa hirap at ginhawa Sa mundong puno na ng kalungkutan at problema. Malaki, masaya, buo at kumpleto Hindi man perpekto pero marunong rumespeto Minsan pamilya rin namin ay magulo Pero masaya naman kahit na ganito, Mula sa pagkabata hanggang sa aking pagtanda Sila na ang karamay sa anumang problema Kahit na minsan ako ay pasaway na Di nila ako sinukuan kundi mas tinanggap pa. Ako'y nag papasalamat sa ating amang nasa itaas Dahil ako ay pinagkalooban niya ng matatag at malakas, Mapagmahal na pamilya Na minsan ay hindi ako iniwan at pinagsawaan.